“Guilty beyond reasonable doubt” ang hatol ng Sandiganbayan kina dating Parañaque mayor Joey Marquez, dating city treasurer Silvestre de Leon, dating city accountant Marilou Tanael at dating OIC ng general services office Ofelia Caunan kaugnay sa overpricing sa pagbili ng walis tingting. Hinatulang mabilanggo sina Marquez ng 30-50 taon. Anim hanggang 10 taon ang sentensya sa bawat isa sa limang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Pinababalik din ng korte kina Marquez ang mahigit P400,000 sa pamahalaan ng Parañaque. Sa 30-pahinang desisyon, sinabi ng korte na walang dudang overpriced ang pagkabili nina Marquez ng walis tingting para sa Parañaque. Sa report ng Special Audit Committee na nag-imbestiga sa anim na transaksyon, umabot sa P2.9 milyon ang ibinayad sa mahigit 100,000 walis tingting mula 1996 hanggang 1998.
Mas mahal daw ito ng P1.3 milyon dahil naglalaro lang noon sa P10-P11 ang walis tingting pero lumalabas na P15-P25 bawat isang walis na nabili umano. Bukod sa sobra-sobra ang mga binili sa kailangan, hindi pa ito dumaan sa public bidding.
Nagulat si Marquez sa desisyon. Nagkulong sila ng mga kasamahan ng halos apat na oras sa sheriff’s office habang inaayos ang kanilang cash bond. Umiwas din sa media sina Marquez.
Sa isang text message, sinabi ng abogado niyang si Noel Malaya na hindi pa sila pwedeng magkumento sa hatol.
Magsusumite sila ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan para iapela ang hatol.
News Source: ABS-CBN News
Video Courtesy of GMA News TV
Popularity: 10% [?]



















Be The First To Comment
Related Post
Please Leave Your Comments Below